Other Details
Link From Other Sources
Official Gazette
Full Text of Issuance
Click to view full text
H. No. 25615 / 88 OG No. 24, 3715 (June 15, 1992)
[ REPUBLIC ACT NO. 7426, April 14, 1992 ]
ISANG BATAS NA BUMABAGO SA PAMBAYANG PAGAMUTAN SA BAYAN NG NAMPICUAN, LALAWIGAN NG NWEBA ESIHA, NA MAGING ISANG PANGKALUSUGANG TANGGAPAN NA MAY LIMANG KAMA, NA TATAWAGING PANGKALUSUGANG TANGGAPAN NG NAMPICUAN, AT NAGLALAAN NG PONDO PARA DITO
Dapat pagtibayin ng Senado at ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas na ngayon at nagpupulong:SEKSYON 1. Ang pambayang pagamutan sa Bayan ng Nampicuan, Lalawigan ng Nweba Esiha, ay binabago sa pamamagitan ng Batas na ito na maging isang pangkalusugang tanggapan na may limang kama, na tatawaging Pangkalusugang Tanggapan ng Nampicuan.SEK. 2. Ang halagang kakailanganin upang ipatupad ang mga probisyon ng Batas na ito ay isasama sa Batas ng Pangkalahatang Gugulin sa susunod na taon matapos pagtibayin ang Batas na ito at sa iba pang sumusunod na taon pagkaraan nito.SEK. 3. Ang Batas na ito ay magkakabisa sa sandaling mapagtibay.Pinagtibay,
(Sgd.) NEPTALI A. GONZALES | (Sgd.) RAMON V. MITRA |
President of the Senate | Speaker of the House of Representatives |
This Act which originated in the House of Representatives was finally passed by the House of Representatives and the Senate on October 17, 1991 and February 3, 1992, respectively.
(Sgd.) ANACLETO D. BADOY, JR. | (Sgd.) CAMILO L. SABIO |
Secretary of the Senate | Secretary General House of Representatives |
Approved: APRIL 14, 1992(Sgd.) CORAZON C. AQUINOPresident of the Philippines
Source: Supreme Court E-Library
By Request
Scan the QR Code below or click this link to request the following:
- Transcript of Plenary Debates
- Transcript of Committee Meeting/s
- Transcript of Conference Committee Meeting/s
- Conference Committee (Bicam) Report
- Turned-over Documents
- Vertical Files and Newspaper Articles
- Others